runaway
February 2, 20075 days na ko andito sa tacloban para kunin ang birth certificate ko. ok naman, di ko naman totally nami-miss ang manila. kasi mall lang ang kulang dito. hindi sa barrio ang bahay ng lola kundi sa city. yun nga lang nakakatawa kapag naka-sakay ako sa jeep tinintingnan ako ng mga kasakay ko kasi tagalog ang salita ko. at kapag kinakausap nila ko tagalog ang sagot ko. naiintindihan ko naman ang salitang waray pero di naman lahat. minsan ginagamitan ko na lang ng common sense. hay! buti na lang tumatama ako…
masaya magbalik-tanaw sa lugar na pinanggalingan ko. hindi naman pala nakaka-boring katulad ng iniisip ko bago ko pumunta dito. kasama ko ang pinsan ko, tita ko, lolo at lola ko. inaasikaso nila ko ng maigi. ang bilis ng oras dito di ko namamalayan na pa-gabi na pala. hindi din ako masyado nag-iisip para sa mga taong malalapit sa kin. kasi naisip ko di naman din nila ko hahanapin. at saka kahit isipin ko sila wala naman ako magagawa… hanggang isip lang talaga.
(more…)


