moving
February 4, 2007balik maynila na ko pagkatapos ng halos 1 linggo sa tacloban. nakaka-miss mukhang naiwan ata don ang puso ko (bwahahaha..
). masaya ko sa pag-stay ko don. naalala ko noon bata pa ko kapag pumupunta ko don di ko kaya mag-stay ng matagal. kasi iyak ako ng iyak. nami-miss ko si nanay rosie at gusto ko umuwi ng maynila. pero ngayon iba na… kasi malaki na ko
kahit busy ako sa pag-aasikaso ng birth certificate ko may time pa din ako para makapagmuni-muni. naiisip ko yung mga tao na naiwan ko sa maynila. hinahanap kaya nila ko? kasi sinadya ko talaga na di sabihin na aalis ako. pero di ko natiis, kahit di nila tinatanong kung nasaan ako. sinabi ko pa din kung nasaan ako. wala lang, baka kasi bigla nila ko kailanganin at least alam nila kung saan ako mahahanap.
(more…)


