busy mode
February 20, 2007ilang linggo (o buwan na ata) ko na din di nakakausap yung mga bestbuds ko. oo sobrang busy ko, pero kahit ganon ako may oras ako para sa lahat. kaya lang ngayon sinadya ko na walang communication sa kanila. sa ngayon, hindi ko sila gusto makasama. iba ang pinili ko. kasi ayaw ko maging unfair. nagkaroon na nga kami ng konting pagtatalo. pero don na din nagsimula sa isip ko na di sa lahat ng oras magkakasundo kami. may kanya-kanya kaming hilig o gusto na mga bagay-bagay. inaamin ko naman eh… iba ko sa kanila.
hindi ko hilig makihalubilo sa ibang tao. kaya nga sila lang ang bestbuds ko. pero siyempre may isang tao na special talaga sa kin noon pa. at ngayon lang dumating yung pagkakataon na malaman ng special someone ko ang feelings ko para sa kanya. kaya siguro ganon ko na lang siya pahalagahan. siguro totoo nga ang sinasabi ng bestbuds ko na nagiging unfair na ko sa kanila. pero sana maintindihan na nila na gusto ko lang sulitin yung oras & atensyon ko para sa special someone ko. kung yung mga nakalipas na buwan hindi na naging maganda ang naging pakikisama ko sa kanila… sana ipagpauminhin nila. sa ngayon di ko gusto na kasama sila… naisip ko din na di lang sa kanila dapat umikot ang mundo ko…
ok lang tawagin nila ko na walang kwenta. opinyon nila yon… malaki na kami at may kanya-kanya din kaming buhay


