kontento
March 16, 2007few days ago nagkita kami ng old neighborhood/schoolmate/ex. ayon kamustahan… kwentuhan tungkol sa buhay-buhay namin. wala pa din daw ako pinag-bago. ako pa din daw si abi na astig na kilala nya. siya ganon din walang pinag-bago… torpe pa din pagdating sa chicks (bwahaha…
) sa kin pa humihingi ng advice. naalala ko tuloy one time na tumawag siya sa kin ng lokohin siya ng ex-gf nya… umiiyak at sinabi "alam mo ba abi di hamak na mas maganda ka naman don. kaya lang mahal ko talaga siya". ngee… ano kaya yon? na-curious ako sa sinabi nya at tiningnan ko kaagad sa friendster yung pic ng ex-gf nya. well… nagsasabi talaga siya ng totoo (hehehe… ang yabang ko noh?)
nasabi ko sa kanya na malapit na ko umalis ng 'pinas this year. at saka ga-graduate na ko. sabi nya masaya siya para sa kin at tingin nya magandang future daw ang nag-aantay sa kin. natutuwa din siya sa progress na nangyayari sa family ko. kasi witness siya sa trials na pinagdaan ng pamilya ko. hay! kapag naiisip ko yon… lagi ko nasasabi "thank You God for everything".
(more…)


